Entry: Quaker to Unreal-er Monday, August 24, 2009



Matagal na akong follower ng Quake series, pero ewan ko kung anung pumasok sa utak ko nung panahon ng OJT at bigla akong na-convert sa pagiging isang UT player.

Nag-install kasi ako ng Unreal Tournament GOTY sa workstation ko nung OJT para makapaglaro ako kapag walang ginagawa, ok lang naman sa boss namin yun kasi puro gamers din mga bossing ko (mga adik sa DOTA). Ayun, na-adik uli ako sa Unreal Tournament.

Una akong naglaro ng Unreal Tournament eh grade 6 pa ako nun, nanghiram ako ng kopya ng installer sa teacher ko, ayun na-adik ako. Sabay sabay pa sa PC ko yung tatlong laro na Quake 3, UT tsaka Counterstrike! HAHA!

Tapos nawili din akong i-customize yung mga options sa UT. Nilagay ko sa turbo mode yung UT para mas mabilis at mas challenging, nilagyan ko na rin ng sangkatutak na mapa para mas masaya, naglaro ng CTF na naka Instagib para mas mabilis at kakaiba ang CTF experience ko, naglagay ng mods tulad ng jailbreak para magkaroon ng variety.

ngayon ko lang uli na-appreciate ang Unreal Tournament, dati kasi nababagalan ako. ngayon ko lang naisip na napakaganda pala ng laro na to. Maganda ang AI programming, level design, etc.

Ngayon naman doon naman ako sa sequel ng Unreal Tournament, ang Unreal TOurnament 2004.

masaya ang laro, maganda ang graphics para sa isang laro na ginawa 5 years ago. Ganda ng variety ng game modes, graphics, options atbp. Almost perfect siya.

Next time siguro pag malakas na PC ko Unreal Tournament 3 naman haha!

Masakit mang iwanan ang Quake 3, pero kelangan ko rin ng variety... UNREAL TOURNAMENT!

Quake 3, babalikan din kita, wag kang mag-alala.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments