Entry: TOWN JAMMING + HS mini-reunion xD Sunday, April 19, 2009



ok ang battle of the bands kanina sa ATC. Masaya naman.

Sampung banda ang tumugtog, pang-pito kami. Ang nakakatawa eh sa meeting ng banda eh draw-lots kami kung pang-ilan kami sa mga tutugtog, nagkataon (at sobrang freak coincidence!) na ang banda nila Jason eh pang-anim, kami (Radio Free Sound Project) eh pang-walo at ang banda naman nila Mac ang pang-walo!! Walanghiya, kami-kaming magkaka-batch nung high school din ang nagkasunud-sunod sa mga tutugtog lolz!

Ok ang mga bandang tumugtog, halatang sinala talaga ng committee ang mga tutugtog. Wala ni isa ang sumablay (meron pero di gaanong halata) at talagang magagaling ang mga competitors. Para sa akin hindi siya nagmukhang battle of the bands, para siyang isang min-concert sa gitna ng ATC dahil sa higpit ng competition.

Announcement na kung sino ang makakasama sa finals. Hindi nakasama ang banda namin and banda nila jason, ang banda nila Mac ang pasok pero karapat-dapat naman talaga dahil magaling ang banda nila! hayup sa stage presence at projection, ok din ang song selection at maganda ang flow ng mga kanta. Ayos. Si JP mukhang medyo sineryoso ang pagkatalo, pero sa amin ok lang kasi nakatugtog naman kami ng maayos at andun ang mga HS friends namin at napanood nila kami.

Overall: SATISFIED

Masaya rin kasi kasama ko mga kabarkada at kaklase ko nung highschool, parang mini-reunion na nga eh! Masaya. Kaso may mga kulang, sina Martin D5, Ramon atbp para lalong masaya haha!

nakasabay ko pa si Gian umuwi lolz haha.

salamat sa lahat ng nanuod, sumuporta at naniwala sa Radio Free Sound Project at iba pang mga banda na nagdadala ng watawat ng SBCA.

MABUHAY ANG MGA KABATAANG MUSIKERO!!!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments