|
Nakakatuwang panoorin yung introduction speech ni Flea (Red Hot Chili Peppers bassist). 10 minutes siya pero hindi boring, kinwento niya kung ano impact ng Metallica sa buhay niya mula nung mapakinggan niya yung "Fight Fire with Fire", at kinwento din niya ang impact na nagawa ng Metallica sa music induistry ng mundo. Inducted na ang Metallica sa Rock and Roll Hall of Fame. Pumunta ang buong banda sa stage. James Hetfield, Lars Ulrich, Kirk hammett, Robert Trujillo, dating bassist na si Jason Newsted at ang ama ng namatay na bahista nilang si Cliff Burton na si Ray Burton. Unang nag-speech si Ray Burton na ineksplika kung gaano niya na-miss si Cliff at kung gaano kagaling ang Metallica. Sumunod na nag-speech si Jason Newsted (bago pa siya magsalita eh talagang palakpakan na ang mga tao), tapos sina Robert Trujillo at Kirk Hammett na ang nag-speech. Ang mga speech na talagang tumatak sa akin eh yung mga speech nila Lars at James. Pero mas tumatak sa akin ang speech ni James. May isang quotation akong nakuha sa speech niya "Dream big, and dare to fail I dare you! This is living proof, that it is possible to make dreams come true!". Sa huling part ng speech ni James ay pinasalamatan niya si Lars Ulrich "I wanna thank Lars, for calling me, so we can include each other in our dreams of being in the greatest heavy metal band of all time." Nakaka-iyak din yung part na nagyakapan si James at Lars sa huli ng speech. Inspiring. Tumugtog sila ng 2 kanta, Master of Puppets tsaka Enter Sandman, magkasama sina Jason at Robert sa stage para sa twin-bass attack! hehe. May mga sablay si Hetfield sa MoP pero ok lang yun. Hindi ata siya nakapag-warmup. My Take? Feel ko yung MTV Icon: Metallica eh pagbibigay pugay lang sa Metallica. Pero itong Rock and Roll hall of Fame induction nila eh talagang mabigat na parangal. Masayang masaya ako kasi die-hard fan na ako ng Metallica for more than 6 years, sobrang laki kasi ng influence nila sa akin dahil hindi lalo maeexplroe ng malalim ang metal music kung hindi dahil sa kanila, hindi ako magseseryoso sa gita kung hindi napapakinggan ang mga solo ni Kirk Hammett nung high school ako, at tingin ko talagang nabago ng Metallica ang attitude ko at mga pananaw ko sa buhay. Masarap sa pakiramdam na ang mga idol ko eh na-induct na rin sa Rock n Roll Hall of Fame, kasama na nila sa ranggo nila ang Black Sabbath, Led Zeppelin at Lynyrd Skynyrd at iba bang mga legendary musicians. Congratulations Metallica Metallica is in my blood Metallica is my life. METALLICA RULES!!! |
| Leave a Comment: |