|
5:30 kami ng maka-alis sa
school, si Justin de los Santos ang may kotse sa amin. Kasma ko si Ian
at JT. Sobrang kinikilabutan kami habang papunta ng MOA sinalubong
kami ni Popo sa may entrance at pumwesto. Bwisit yung mga MTV VJs na
nagkwentuhan kagabi, nakatikim sila ng bonggang bonggang BOOOO!! galing
sa audience. Buti na lang sexy ang suot ni Anne Curtis kaya
napagpasensyahan ko na. unique din ang countdown, nagsimula sa Z tapos nagtapos sa E. Eto yung setlist: 1st set: Magasin Walang Nagbago Maling Akala Maskara Poorman's Grave Waiting for the Bus Huwag Mo nang Itanong (Marcus on vox) Slo Mo (Raimund on vox) Alkohol (Raimund on vox) Insomya Torpedo 2nd set: Julie Tearjerky (acoustic/unplugged ) Tikman ang Langit (acoustic/unplugged ) Wishing Wells (acoustic/unplugged ) Fine Time (acoustic/unplugged ) Pare Ko (acoustic/unplugged ) Kailan (acoustic/unplugged ) Back2Me Trip to Jerusalem Spoliarium Overdrive Encore: Superproxy (tribute to FrancisM) Minsan Alapaap Kaleidoscope World (tribute to FrancisM) (reprise) Ang Huling El Bimbo Encore 2 (Final 3): Ligaya Sembreak Toyang kung
tutuusin, mas maganda itong concert na to kesa sa una. Yung sa una kasi
parang masyado silang tense o masyadong steady, halos walang
interaction within the band and within the audience. Pero itong sa
Final Set eh talang sobrang loosened up na sila, malikot na sila. Si
Ely talagang energetic! astig
din nung kumanta si Raimund sa Alcohol tsaka sa Insomya, parang nasa
Sandwich lang! Ok din yung reggae version ng Wag Mo nang Itanong ni
Marcus Adoro, ang kulit nung inuulit uli niya yung "di ko sasabihin sa
iyo!" hahaha!!! may
mga ibang kanta din na galing sa unang conert tulad ng Kailan at
Alapaap. Dinugtong yung kaleidoscope World sa Alapaap tribute para kay
Francis M. Epic
moment din yung El Bimbo, nakatitig na lang ako nung fireworks tsaka
confetti, tapos sinunog na rin yung piano na puro stickers (yung piano
sa StickerHappy na album nila) signalizing the end of the Eraserheads. palabas
na yung mga tao nang lumabas uli si Raimund, mukhang nabitin sila.
Tinugtog nila Ligaya, Sembreak tsaka Toyang. Sarap pakinggan nung
sinabi ni Ely na "WE ARE THE ERASERHEADS!" haaiz di ako maka-get over... itong 2 Eraserheads na concerts ang kumumpleto sa schoolyear ko... DA BEST!
|
| Leave a Comment: |