|
may jam session kami kanina sa bahay nila Popo. Dala-dala ko gitara ko pati amp ko, ambigat pero oks lang kasi minsan lang naman kami mag-jam. nagkita kami ni Kim Dabs sa SM ay sabay kaming pumunta kina Popo. Ayos naman lahat. Dumating sunod si JP, ang aming drummer. Nagsimula na ang jamming! Ok ang jamming namin, may mga bagong stuff si Kim na sinubukan naming i-jam, at ayus naman ang kinalabasan. Matagal kaming hindi nagkita nila JP at Kim kaya di namin akalain na magiging maganda ang kalalabasan ng jamming namin. pagkatapos ay nagkwentuhan kami ni Kim, kamustahan at iba pa kasama sina JP at Popo. High school pa lang magkakasama na kami kaya parang ang sarap ng pakiramdam na hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin kami... Radio Free Sound Project da best!!! |
| Leave a Comment: |