Entry: Jam session + Reformat + HSM3 + guitar fix Tuesday, October 28, 2008



Ayus ang jam session namin nila Popo at Jp. Autobordz 3-piece style! Setlist namin: Alapaap (Eheads), Magasin (Eheads), Giyang (Razorback), Little Wing (Jimi Hendrix), Shy Boy (Mr. Big version). Ok naman ang jam, pero nakalimutan ni Popo na kontakin si Dabs. Ayun, ni-YM ako ni Dabs medyo sumama ang loob nung una pero ok naman pagkatapos nyiang manood ng Southpark.

5 beses nag-crash ang HD ko kanina... bwisit talaga, tipong kung kelan nagse-save ako ng files sa USB ko para sa sudden attack ng isa pang HD crash eh saka naman magka-crash bigla ang operating system ko. Kaya isang solusyon na lang ang naisip ko - REFORMAT!!! Wala na akong pake kahit alam kong gugulpihin ako ng kapatid ko bukas pag nalaman niyang burado ang videos at pictures ng aking napaka-cute na pamangkin. Nag-proceed na ako sa reformatting. Temporary lang ito dahil mapapasa-akin din ang 80gb HDD ni Popo bweahahaha!!!

lately medyo nao-OC na ako sa mga electronic damages ng gitara ko. Selector, volume knob atsaka isang physical damage eh yung nut. Iniisip ko kung sa Sta. Mesa ako magpapaayos o sa Raon sa Quiapo. Hmmm

may 2 pelikula akong gustong panoorin ngayon, High School Musical 3 at Tropic Thunder. Gusto kong panoorin ang Tropic Thunder kasi maganda ang konbinasyon ng mga aktor (Ben Stiller, Jack Black, Robert Downey Jr.) kaya pamatay, maganda pa ang konsepto ng istorya kaya interesting abangan.

gusto ko ring panoorin ang High School Musical 3. OO! Inaamin ko na, fan ako ng High School Musical series! Guilty pleasure ko yun haha. Medyo mahilig din kasi ako sa mga cheese teeny-bopper stuff tulad nito. Gusto knog makita kung ano ang mangyayari sa cast ngayong nasa senior year na sila, saang mga college sila pupunta at ano ang mangyayari pagkatapos.

Isa na ring dahilan kung bakit ko gustong manood ng HSM3 ay dahil kay Ashley TIsdale at Olesya Rulin... no questions asked

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments