Wednesday, September 02, 2009
22 days more!!!

22 days na lang. malapit na ulit birthday ko.

walangya naman on, 20 years old na akO! Parang kelan lang na 15 years old ako nang ma-establish ko itong blog ko, 3rd yhear highschool pa ako nun. Ngayon graduating na ako ng college haha.

Andito ako sa klase ngayon ni Sir Samson, nakakatamad kaya magba0blog muna ako. Wala kasi akong magawa, kulang pa ako sa tulog. HAHA!

Medyo natigil din ak osa pangongolekta ng Transformers ngayon kasi medyo napadalas ang paglalalabas-labas namin ng mga kaklase ko twing sabado nights. kain sa McDO, Jollibee, tambay dito, inom dyan. Ok lang kahit di makaipon, at least busog naman, masaya pa kasama mga tropa, tamang break pagkatapos tapusin ang thesis documentations.

Tigil muna ako ngayon. Mag-aaral muna ako... kunwari

LOL

Posted at 03:48 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Monday, August 24, 2009
Quaker to Unreal-er

Matagal na akong follower ng Quake series, pero ewan ko kung anung pumasok sa utak ko nung panahon ng OJT at bigla akong na-convert sa pagiging isang UT player.

Nag-install kasi ako ng Unreal Tournament GOTY sa workstation ko nung OJT para makapaglaro ako kapag walang ginagawa, ok lang naman sa boss namin yun kasi puro gamers din mga bossing ko (mga adik sa DOTA). Ayun, na-adik uli ako sa Unreal Tournament.

Una akong naglaro ng Unreal Tournament eh grade 6 pa ako nun, nanghiram ako ng kopya ng installer sa teacher ko, ayun na-adik ako. Sabay sabay pa sa PC ko yung tatlong laro na Quake 3, UT tsaka Counterstrike! HAHA!

Tapos nawili din akong i-customize yung mga options sa UT. Nilagay ko sa turbo mode yung UT para mas mabilis at mas challenging, nilagyan ko na rin ng sangkatutak na mapa para mas masaya, naglaro ng CTF na naka Instagib para mas mabilis at kakaiba ang CTF experience ko, naglagay ng mods tulad ng jailbreak para magkaroon ng variety.

ngayon ko lang uli na-appreciate ang Unreal Tournament, dati kasi nababagalan ako. ngayon ko lang naisip na napakaganda pala ng laro na to. Maganda ang AI programming, level design, etc.

Ngayon naman doon naman ako sa sequel ng Unreal Tournament, ang Unreal TOurnament 2004.

masaya ang laro, maganda ang graphics para sa isang laro na ginawa 5 years ago. Ganda ng variety ng game modes, graphics, options atbp. Almost perfect siya.

Next time siguro pag malakas na PC ko Unreal Tournament 3 naman haha!

Masakit mang iwanan ang Quake 3, pero kelangan ko rin ng variety... UNREAL TOURNAMENT!

Quake 3, babalikan din kita, wag kang mag-alala.

Posted at 04:31 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Tuesday, August 18, 2009
Thesis time

ngayon lang uli ako nakapag-blog. mangilan-ngilang buwan na rin mula nung huli akong nagpost.

masyado nang nakain ng thesis ang buhay ko. Isang buwan na akong hindi naggigitara, onti na lang ang oras ko para makapaglaro at nawawalan na ako ng oras matulog. Take note documentation pa lang ito!

pero oks lang naman sa akin kasi patapos na rin kami ng mga kagrupo ko. Chapters 1-4 tapos na namin. chapters 5 and 6 na alng ang kulang para makumpleto, tse-tsekin pa namin ang consistency ng system para oks na para sa defense.

Ang hirap ng buhay 4th year... pero sana maka-graduate agad para COOL.

COOL

Posted at 07:28 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Friday, June 12, 2009
RETURN OF MADNESS

Wala akong internet nitong nakaraang isang linggo dahil sa putanginang PLDT na yan na natagalan sa pag-ayos ng aming linya. Pero ngayon ay oks na lahat... cool!

Kakatapos ko lang sa OJT ko actually lumampas pa nga ako ng 20 hours haha! Sobrang saya ng experience ko sa IT center. Marami akong natutunan na bagay... at kalokohan kasama ang aming mga Master sa IT center. Siyanga pala kuya Paul, yung souvenir namin ah!

Malapit na pala magpasukan, balik ang baon, pag-aaral, sight-seeing ng chiks, puyatan at tripping kasama mga tropa sa schoo. At siyempre sino bang hindi makakalimot sa tugtugan diba? Huling taon ko na sa kolehiyo, kelangan ko na lasapin bawat segundo para worthwhile ang kabuuan ng school experience ko. COOL

new schoolyear means...

MORE TOYS
MORE MUSIC
MORE METAL

Posted at 04:38 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Sunday, April 19, 2009
TOWN JAMMING + HS mini-reunion xD

ok ang battle of the bands kanina sa ATC. Masaya naman.

Sampung banda ang tumugtog, pang-pito kami. Ang nakakatawa eh sa meeting ng banda eh draw-lots kami kung pang-ilan kami sa mga tutugtog, nagkataon (at sobrang freak coincidence!) na ang banda nila Jason eh pang-anim, kami (Radio Free Sound Project) eh pang-walo at ang banda naman nila Mac ang pang-walo!! Walanghiya, kami-kaming magkaka-batch nung high school din ang nagkasunud-sunod sa mga tutugtog lolz!

Ok ang mga bandang tumugtog, halatang sinala talaga ng committee ang mga tutugtog. Wala ni isa ang sumablay (meron pero di gaanong halata) at talagang magagaling ang mga competitors. Para sa akin hindi siya nagmukhang battle of the bands, para siyang isang min-concert sa gitna ng ATC dahil sa higpit ng competition.

Announcement na kung sino ang makakasama sa finals. Hindi nakasama ang banda namin and banda nila jason, ang banda nila Mac ang pasok pero karapat-dapat naman talaga dahil magaling ang banda nila! hayup sa stage presence at projection, ok din ang song selection at maganda ang flow ng mga kanta. Ayos. Si JP mukhang medyo sineryoso ang pagkatalo, pero sa amin ok lang kasi nakatugtog naman kami ng maayos at andun ang mga HS friends namin at napanood nila kami.

Overall: SATISFIED

Masaya rin kasi kasama ko mga kabarkada at kaklase ko nung highschool, parang mini-reunion na nga eh! Masaya. Kaso may mga kulang, sina Martin D5, Ramon atbp para lalong masaya haha!

nakasabay ko pa si Gian umuwi lolz haha.

salamat sa lahat ng nanuod, sumuporta at naniwala sa Radio Free Sound Project at iba pang mga banda na nagdadala ng watawat ng SBCA.

MABUHAY ANG MGA KABATAANG MUSIKERO!!!

Posted at 03:26 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Saturday, April 11, 2009
Hall of Metallica

METALLICA INDUCTED INTO THE ROCK AND ROLL HALL OF FAME

Nakakatuwang panoorin yung introduction speech ni Flea (Red Hot Chili Peppers bassist). 10 minutes siya pero hindi boring, kinwento niya kung ano impact ng Metallica sa buhay niya mula nung mapakinggan niya yung "Fight Fire with Fire", at kinwento din niya ang impact na nagawa ng Metallica sa music induistry ng mundo.

Inducted na ang Metallica sa Rock and Roll Hall of Fame. Pumunta ang buong banda sa stage. James Hetfield, Lars Ulrich, Kirk hammett, Robert Trujillo, dating bassist na si Jason Newsted at ang ama ng namatay na bahista nilang si Cliff Burton na si Ray Burton. Unang nag-speech si Ray Burton na ineksplika kung gaano niya na-miss si Cliff at kung gaano kagaling ang Metallica. Sumunod na nag-speech si Jason Newsted (bago pa siya magsalita eh talagang palakpakan na ang mga tao), tapos sina Robert Trujillo at Kirk Hammett na ang nag-speech.

Ang mga speech na talagang tumatak sa akin eh yung mga speech nila Lars at James. Pero mas tumatak sa akin ang speech ni James. May isang quotation akong nakuha sa speech niya "Dream big, and dare to fail I dare you! This is living proof, that it is possible to make dreams come true!". Sa huling part ng speech ni James ay pinasalamatan niya si Lars Ulrich "I wanna thank Lars, for calling me, so we can include each other in our dreams of being in the greatest heavy metal band of all time." Nakaka-iyak din yung part na nagyakapan si James at Lars sa huli ng speech.

Inspiring.

Tumugtog sila ng 2 kanta, Master of Puppets tsaka Enter Sandman, magkasama sina Jason at Robert sa stage para sa twin-bass attack! hehe. May mga sablay si Hetfield sa MoP pero ok lang yun. Hindi ata siya nakapag-warmup.

My Take?

Feel ko yung MTV Icon: Metallica eh pagbibigay pugay lang sa Metallica. Pero itong Rock and Roll hall of Fame induction nila eh talagang mabigat na parangal. Masayang masaya ako kasi die-hard fan na ako ng Metallica for more than 6 years, sobrang laki kasi ng influence nila sa akin dahil hindi lalo maeexplroe ng malalim ang metal music kung hindi dahil sa kanila, hindi ako magseseryoso sa gita kung hindi napapakinggan ang mga solo ni Kirk Hammett nung high school ako, at tingin ko talagang nabago ng Metallica ang attitude ko at mga pananaw ko sa buhay. Masarap sa pakiramdam na ang mga idol ko eh na-induct na rin sa Rock n Roll Hall of Fame, kasama na nila sa ranggo nila ang Black Sabbath, Led Zeppelin at Lynyrd Skynyrd at iba bang mga legendary musicians.

Congratulations Metallica
Metallica is in my blood
Metallica is my life.

METALLICA RULES!!!

Posted at 01:02 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Sunday, March 29, 2009
ERMONSKI: THE FINALS SET (pun intended)

pagsasama-samahin ko na lang dito ang mga masasaya at hindi na experiences namin ngayong schoolyear 2008-2009. Kayo na bahala tumingin kung ano ang good at ano ang bad, para COOL!!!

ibu-bullet form ko na lang ito para COOL!!!! HELL'M YEAH!

FIRST SEMESTER:
  • Statistics
  • Bonding moments with classmates
  • Inuman sessions
  • basagen sessions kasama mga kapitbahay ko
  • Eraserheads: The Reunion Concert
  • Puyatan sa Software Engineering documentations
  • Puyatan sa SQL project
  • Patayan sa pagkain (LOL)
  • Debut ni Eunice (na hindi ako nakapunta haha!)
  • pagka-buo ng Reverie and Rhythm Org (great people, great music)
  • laftrip sessions

SECOND SEMESTER
  • COMMDAP Convention + inuman sa MOA
  • Ms. Pasupil prof na naman namin for the nth time lolz
  • Philo sessions with Papa J (da best!)
  • Retreat (maraming nangyari, maraming nangyari...)
  • Lab teams galore!
  • Kulitan sessions
  • walang kamatayang laftrip sessions
  • gazeebo days
  • sabado nights
  • Petron sessions
  • RAR Concert!!!
  • Immersion (baraha, gala, toma)
  • Eraserheads: The Final Set
  • Puyatan sa SQL project

The Profs:
Ms. Marian - oh Mooooooooooooooooooon!
Ms. Pasupil - kayo na bahala mag describe hehe
Mr. Renta - nicknamed as ChEorva? bat kaya?
Sir Jayvee - sumagot ng inuman namin sa Festi bago siya umalis
Mr. Joselle "Papa J" Motol - ang aming cool na cool na prof sa Philosophy na palaging may pattern sa quiz at exams na hindi namin nakukuha kaya kami bumabagsak! lolz da best
Mr. Pascual - petiks na prof namin sa Accounting hehe

so mga kaibigan! yan po ang aking listahan ng mga pangyayari dito sa napakasayang(?) schoolyear na ito! maraming salamat mga kaklase at kaibigan at magkikita tayo sa OJT at next schoolyear!

YOWZA!

Posted at 03:53 pm by Ermon
Comments (2)  




Sunday, March 08, 2009
ERASERHEADS: THE FINAL SET

11 am ng sabado eh nasa school ako, hindi ako maka-focus sa quiz namin sa SAD dahil sa excitement ko para sa concert. Pati sa SQL class namin eh panay lyrics na ata ng Eraserheads ang tina-type ko sa Query Analyzer sa excitement.

5:30 kami ng maka-alis sa school, si Justin de los Santos ang may kotse sa amin. Kasma ko si Ian at JT. Sobrang kinikilabutan kami habang papunta ng MOA

sinalubong kami ni Popo sa may entrance at pumwesto. Bwisit yung mga MTV VJs na nagkwentuhan kagabi, nakatikim sila ng bonggang bonggang BOOOO!! galing sa audience. Buti na lang sexy ang suot ni Anne Curtis kaya napagpasensyahan ko na.

unique din ang countdown, nagsimula sa Z tapos nagtapos sa E. Eto yung setlist:

1st set:
Magasin 
Walang Nagbago
Maling Akala
Maskara
Poorman's Grave
Waiting for the Bus
Huwag Mo nang Itanong (Marcus on vox)
Slo Mo (Raimund on vox)
Alkohol (Raimund on vox)
Insomya
Torpedo

2nd set:
Julie Tearjerky (acoustic/unplugged )
Tikman ang Langit (acoustic/unplugged )
Wishing Wells (acoustic/unplugged ) 
Fine Time (acoustic/unplugged )
Pare Ko (acoustic/unplugged )
Kailan (acoustic/unplugged )
Back2Me
Trip to Jerusalem
Spoliarium
Overdrive 

Encore:
Superproxy (tribute to FrancisM)
Minsan
Alapaap
Kaleidoscope World (tribute to FrancisM) (reprise)
Ang Huling El Bimbo 

Encore 2 (Final 3):
Ligaya
Sembreak

Toyang


kung tutuusin, mas maganda itong concert na to kesa sa una. Yung sa una kasi parang masyado silang tense o masyadong steady, halos walang interaction within the band and within the audience. Pero itong sa Final Set eh talang sobrang loosened up na sila, malikot na sila. Si Ely talagang energetic!

astig din nung kumanta si Raimund sa Alcohol tsaka sa Insomya, parang nasa Sandwich lang! Ok din yung reggae version ng Wag Mo nang Itanong ni Marcus Adoro, ang kulit nung inuulit uli niya yung "di ko sasabihin sa iyo!" hahaha!!!

may mga ibang kanta din na galing sa unang conert tulad ng Kailan at Alapaap. Dinugtong yung kaleidoscope World sa Alapaap tribute para kay Francis M.

Epic moment din yung El Bimbo, nakatitig na lang ako nung fireworks tsaka confetti, tapos sinunog na rin yung piano na puro stickers (yung piano sa StickerHappy na album nila) signalizing the end of the Eraserheads.

palabas na yung mga tao nang lumabas uli si Raimund, mukhang nabitin sila. Tinugtog nila Ligaya, Sembreak tsaka Toyang. Sarap pakinggan nung sinabi ni Ely na "WE ARE THE ERASERHEADS!"

haaiz

di ako maka-get over...

itong 2 Eraserheads na concerts ang kumumpleto sa schoolyear ko...

DA BEST!

Posted at 03:52 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Thursday, October 30, 2008
WarSow + Jam Session

Nakaka-adik ang WarSow (free open-source FPS deathmatch game), beware!!!

may jam session kami kanina sa bahay nila Popo. Dala-dala ko gitara ko pati amp ko, ambigat pero oks lang kasi minsan lang naman kami mag-jam. nagkita kami ni Kim Dabs sa SM ay sabay kaming pumunta kina Popo. Ayos naman lahat. Dumating sunod si JP, ang aming drummer. Nagsimula na ang jamming!

Ok ang jamming namin, may mga bagong stuff si Kim na sinubukan naming i-jam, at ayus naman ang kinalabasan. Matagal kaming hindi nagkita nila JP at Kim kaya di namin akalain na magiging maganda ang kalalabasan ng jamming namin.

pagkatapos ay nagkwentuhan kami ni Kim, kamustahan at iba pa kasama sina JP at Popo. High school pa lang magkakasama na kami kaya parang ang sarap ng pakiramdam na hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin kami...

Radio Free Sound Project da best!!!

Posted at 12:44 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Tuesday, October 28, 2008
Jam session + Reformat + HSM3 + guitar fix

Ayus ang jam session namin nila Popo at Jp. Autobordz 3-piece style! Setlist namin: Alapaap (Eheads), Magasin (Eheads), Giyang (Razorback), Little Wing (Jimi Hendrix), Shy Boy (Mr. Big version). Ok naman ang jam, pero nakalimutan ni Popo na kontakin si Dabs. Ayun, ni-YM ako ni Dabs medyo sumama ang loob nung una pero ok naman pagkatapos nyiang manood ng Southpark.

5 beses nag-crash ang HD ko kanina... bwisit talaga, tipong kung kelan nagse-save ako ng files sa USB ko para sa sudden attack ng isa pang HD crash eh saka naman magka-crash bigla ang operating system ko. Kaya isang solusyon na lang ang naisip ko - REFORMAT!!! Wala na akong pake kahit alam kong gugulpihin ako ng kapatid ko bukas pag nalaman niyang burado ang videos at pictures ng aking napaka-cute na pamangkin. Nag-proceed na ako sa reformatting. Temporary lang ito dahil mapapasa-akin din ang 80gb HDD ni Popo bweahahaha!!!

lately medyo nao-OC na ako sa mga electronic damages ng gitara ko. Selector, volume knob atsaka isang physical damage eh yung nut. Iniisip ko kung sa Sta. Mesa ako magpapaayos o sa Raon sa Quiapo. Hmmm

may 2 pelikula akong gustong panoorin ngayon, High School Musical 3 at Tropic Thunder. Gusto kong panoorin ang Tropic Thunder kasi maganda ang konbinasyon ng mga aktor (Ben Stiller, Jack Black, Robert Downey Jr.) kaya pamatay, maganda pa ang konsepto ng istorya kaya interesting abangan.

gusto ko ring panoorin ang High School Musical 3. OO! Inaamin ko na, fan ako ng High School Musical series! Guilty pleasure ko yun haha. Medyo mahilig din kasi ako sa mga cheese teeny-bopper stuff tulad nito. Gusto knog makita kung ano ang mangyayari sa cast ngayong nasa senior year na sila, saang mga college sila pupunta at ano ang mangyayari pagkatapos.

Isa na ring dahilan kung bakit ko gustong manood ng HSM3 ay dahil kay Ashley TIsdale at Olesya Rulin... no questions asked

Posted at 12:44 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Next Page


Ermon Cabrieto
17 years old
"If you're happy and you know it clap your hands"
fan ni Shaina Magdayao


   





<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31






Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed