Thursday, October 23, 2008
Wednesday Travelogue + Advising form + SnR + Ref cake

nung miyerkules eh pumunta uli ako ng SM Makati para makipag-trade sa isang kapwa Cybertron Philippines member. Iti-trade ko yung TFTM Rescue Ratchet ko para sa TFTM Longarm niya. Ok naman ang naging deal namin, marami rin akong natutunan sa kanya tungkol sa mga Transformers collectibles. Umuwi na rin ako pagkatapos.

kahapon eh galing ako sa school para sa advising form namin para sa enrollment. Matagal kaming nag-antay kasi tinignan namin mga grades namin. Ok naman wala akong bagsak kasi malupit ako, mabangis, kahindik-hindik, kagila-gilalas at di kapani-paniwala.

Tapos ay pumunta kami ng mga pinakamamahal kong kaklase sa SnR para kumain. Well, sila lang ang kumain kasi wala akong datung nun kaya bumili na lang ako ng bottomless drink para masaya (consequence: sa pagkakahalo-halo ng sopdrinks sa tiyan ko, poopoo ako ng poopoo sa bahay). Habang kumakain kami eh biglang nakita namin si Pops Fernandez at Jomari Yllana na papalabas ng SnR. Hmm celebrity sightings?

Kagabi bago ako natulog ay gumawa ako ng ref cake. Kung ang version ng karamihan ay graham crackers ang gamit, ako naman ay tasty bread.

Ito ang aking recipe:
  • Tasty bread (tanggalin ang crust sa mga gilid)
  • 2 Nestle Cream na naka-kahon (mas maganda yung naka-lata para mas marami)
  • 1 lata ng Carnation condensada
  • Hi-Ro cookis (optional)
pinaghalo ko yung nestle cream tsaka condensed milk sa isang bowl, set aside. Maglagay sa isang malapad na container ng kapiraso nung mixture para may "bedding" yung tinapay (para ka lang gumagawa ng tiramisu pero tinapay ang gamit mo). Tapos ay ilagay yung Hi-Ro cookies (paghiwalayin yung cookies) sa tinapay tapos lagyan ulit nung cream mixture. Lagyan ulit ng isang layer ng tinapay, cookeis at mixture. Ulit-ulitin hanggang sa mapuno niyo ng layers yung container. CHill overnight.

enjoy!

Posted at 12:43 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Saturday, October 18, 2008
Hobby + No strings attached + TV madness + Quake fights

medyo hindi ako maka-focus sa paggigitara ko ngayon. Medyo uninspired ako ng konti kasi wala akong inspirasyon (kaya nga uninspired eh! xD xD). Tapos tanggal pa strings ng gitara ko kasi kalawangish na lahat.

Medyo marami din akong hobby na pinu-pursue ngayon. Bukod sa pag-inom ng beer, kumain, matulog at pag-iinternet, ay ang pangongolekta ng Transformers na laruan. Sa ngayon ay may 5 na ako - TFTM Deluxe Bumblebee, TFTM Voyager Ratchet, TF Animated Deluxe Lockdown, TF Universe Sunstreaker at TF Universe Acid Storm (Starscream repaint). Isa sa kanila ay mawawala na (TFTM Rescue Ratchet) dahil makikipag-trade ako sa isang ka-forum mate sa Cybertron Philippines sa miyerkules sa SM Makati para sa isang TFTM Deluxe Longarm. I can't wait!

Ngayon eh medyo babad ako ulti sa TV dahil nung pasukan ay halos di ako makapanood dahil busy ako. nanunuod ako ng noontime shows, bukod sa ASF Dancers ng Wowowee ay inaabangan ko rin ang parinigan ng magkabilang noontime shows sa isa't-isa. Nagkabati na pala si Willie at Joey de Leon, pero hindi pa raw natatapos ang banatan, ayus yaon!

Sarap din manuod ng pelikula sa HBO at Star Movies. Latest kong napanood ay TMNT kung saan napanood ko ang Ninja Tartols in CGI!  Mochelangelo idol! Ganda rin ng laban ni Leonardo at Raphael dahilan ng tampuhan nila. Napanood ko rin yung horror film na "Solstice" sa Star Movies, nakakatakot! Buti na lang andun si Elisabeth Harnois (sheeeet, ang ganda niya...).

Kagabi ay nakanood ako ng live match ng Quake 3 CPM sa GTV Server sa US. In-open ko yung Quake 3 ko, tapos in-enter ko yung IP address (nope, hindi hack to, pwede pumasok sa server kahit sino, pero spectator lang kasi ongoing ang official tournament), at nanuod ng laban. Nakakatuwang panoorin si 'spartie' kasi maganda ang strategy niya, si 'Cypher' naman eh ayus din maglaro, kaso nakikita ko sa laro niya na pag nalalamangan siya ng kalaban at nauubusan ng pasensya na makikita sa todo harabas niyang pagsugod at nawawalan siya ng focus sa item control sa mapa. Quarter-finals hanggang semi-finals lang napanood ko, talo daw si 'spartie'... sayang. Pero andami knog natutunang strategy na pwede kong i-apply sa paglalaro ko.

so ayan! ito ang tumatakbo sa utak ko sa mga nakaraang mga araw!

enjoy!

ye-yeh!

Posted at 12:41 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Tuesday, October 14, 2008
Humanities Tour + Failed deal + Travelogue

Tour namin sa Humanities kanina sa Intramuros. Alas otso ng umaga nang magkita kami ni Ian-kun sa may RFC para sabay kaming pupunta. Sakay kami ng bus papuntang Lawton tapos bumaba sa may intersection ng Taft/Buendia para sumakay sa LRT papuntang Central Station. Pagkababa namin ng Central Station ng LRt ay dumeretso kami sa may Intramuros at sumakay ng pedicab papuntang Manila Cathedral. Nagkita-kita kami nila Joshua (ooohhh Joooosh!), ryan, Edman este Edmark pala hehe, yung mga estudyante sa kabilang section, at ang aming dakilang professor na si Prof. Joseph Renta. Nag-tour kami sa mga major establishments at historical sites at museums sa loob ng Intramuros at may utang sa akin si Ian-Kun na 100 pesos lolz!!! Ok ang experience, bukod sa may mga plus points kami sa final term ay marami kaming natutunan sa history ng Pilipinas.

Pagkatapos ay kumain kami nila Josh (oohhh Jooosh!), Ryan, Edman at Ian-Kun sa Manong Pepe's kung saan mura at masarap ang pagkain, solb pa! Sasabayan sana ako ni Ian-Kun na pumuntang Megamall para makapiag-deal dun sa isang bebentahan ko ng Transformers kaso uwing-uwi na siya sa rason na hindi ko pwedeng sabihin dito (may kinalaman sa sapatos niya). Silang 3 nila Josh sumabay sa akin sa LRT, pero sila pababa ng Gil Puyat station para umuwi, at ako ay sa may EDSA station para sumakay ng MRT papuntang Ortigas para pumunta ng Megamall. Ayun, bumaba ako sa Ortigas station, bumaba sa hagdanan papuntang Megamall. Nagkanda-lidaw lidaw pa ako dahil bago lang ak osa lugar. Di ko makontakt yung dealer ko kasi nawala cellphone niya, so pumunta ako sa may Netopia para check-in kung nag-message siya sa akin sa forums. Kaso wala, so wala akong choice kundi amgtagal sandali sa pagsusurf ng internet.

Pagkatapos ay bumalik ako sa Ortigas station ng MRT para pumunta sa Ayala Station kung saan may mga bus papuntang Alabang. Ayun, naka-uwi din.

Oks ang araw ko ngayon, kahit na medyo dismayado kasi di ko na-meet yung dealer ko, pero oks din kasi masarap talaga mag-commute ng mag-isa.

da best!!

Posted at 12:40 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Monday, September 01, 2008
ERASERHEADS REUNION CONCERT

ito na siguro ang pinakamalupit, pinakamabangis na concert na napuntahan ko sa buong buhay ko... isa sa mga idolo ko ang Eraserheads, kaya dream come true para sa akin nam panaood ko sila...

una di ko planong pumunta kasi wala akong pera... pero sabi ni JT na papautangin daw niya ako mabenta lang yungi sang ticket na kaibigan niya, so kumagat na ako.

kasama ko sina JT, Ian at kaibigan ni JT na si Benj. sabay sabay kaming pumunta sa The Fort para sa concert. Nakikita pa lang namin yung mga ilaw kinikilabutan na ako, alam kong ito ang isa sa mga pinakaaantay kong araw sa buhay ko. Bumaba kami sa may tabi ng concert venue, sabi ko etona, eto na ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

Pumasok kami sa Patron section dahil doon kami na-assign, pansin ko parang ang higpit ng security, dapat lang kasi Eraserheads yon eh! Nag-weewee muna kami sa Portapotty na andun sa gilid, at saka kami dumeretso sa pwesto namin.

Ang laki ng venue, at andaming tao, mga 30,000 yata at lahat ay excited sa muli at huling pagtitipon tipon ng isa sa mga pinakamagaling na banda sa buong Pilipinas. Ang laki ng stage pero malayo ito sa amin, nasa gitna ang technicians area na may malaking screen para sa mga kawawang nasa general admission section.

makalipas ang ilang minuto ay nagpakita sa mga screen ang countdown na 10 minutes. Sigawan lahat ng tao habang pabawas ng pabawas ang mga numero sa countdown. Nang dumating sa 0:59 mark ang countdown, ayun na! Sigawan na ang lahat pati kami nila JT, Ian at Benj. Nang dumating sa );10, saka nagcountdown ng sobrang lakas ang mga tao, parang New Year lang.

Pagkatapos ng countdown ay saka dumagundong ang buong mundo sa sigawan ng 40,000 na katao sa The Fort. Saka pumasok ang Eraserheads (parang 1cm lang sila sa layo ba naman namin eh haha!), pumasok din ang mga lighting effects sa stage.

Pumasok din ang intro bass line ni Buddy Zabala sa "Alapaap". Doon pa lang hindi ko na napigilan sarili ko ang nagsimula na akong sumigaw at nagtatatalon. Nag biglang umentrada ang boses ni Ely sa kanta ay sinabayan siya ng mga tao. Hanep, nakakabilib! Lalong tumindi ang kilabot sa balat ko ng marining  at makita sila sa stage na magkakasama at tinutugtog ang "Alapaap"! Meron pang fireworks sa may last chorus at sa ending = EPIC WIN!!!!

ito ang setlist nila (1st set):
alapaap
> > ligaya
> > sembreak
> > hey jay
> > harana
> > fruitcake
> > toyang
> > kama supra
> > kailan
> > huwag kang matakot
> > kaliwete
> > with a smile
> > shake yer head
> > huawag mo ng itanong
> > light years


Ang saya lalo nung sa "Fruitcake", "Toyang", "Kaliwete" tsaka "With a Smile" (mabagal pagkakatugtog nila dito pero da best pa rin. Ang sarap panoorin at pakinggan yung mga tao na nakikisabay sa pagkanta ni Ely. Sa mga screens pinapakita yung kung ano ang nakikita ng camera. Ang sarap panoorin ni Raimund, da best! Kitang kita na enjoy na enjoy sina Ely, Raimund, Buddy at Markus sa pagiging Eraserheads ulit, lalong lalo na kaming mga libo-libong fans na andun sa The Fort na may halu-halong pakiramdam na kaba, excitement, kilabot, saya at nostalgia. kakaiba talaga, kakaibang saya, saya na nararamdaman namin na marining ulit ang mga kanta na tumatak sa puso't isipan namin noong bata pa kami, at tinugtog ito ng Eraserheads - LIVE!

Pagkatapos ng "Light Years" eh nagkaroon ng 20-minute break. Pero pagktapaos ng 25 minutes ay may sumabog na masamang balita. Umakyat sa stage sina Raimund, Buddy at Markus kasama ang kapatid ni Ely at sinabi ang mmalungkot na balita = sinugod si Ely sa ospital for health reasons, at nagulat ang lahat. Nagkaroon ng isang minutong katahimikan, humingi ng tawad ang banda at kapatid ni Ely sa amin. Mabuti at naintindihan ng mga tao ang sitwasyon at hindi nag-'boo" or nagwala, nagpalakpakan lahat at nag-wish para sa ikagagaling ni Ely.

Bitin ang concert...
Bitin kung sa bitin, pero ok lang, Eraserheads yun eh...
Nagkautang ako ng 500 sa kaklase ko, pero ok lang, Eraserheads yun eh...

Magkakaroon daw ng "Part 2" ang reunion...

sana matuloy...

dapat matuloy...

KAILANGAN MATULOY!!!!

"masdan mo aking mata
di mo ba nakikita
ako'y lumilipad at nasa alapaap na
gusto mo bang, sumama?
"

Eraserheads mania forever!!!


Posted at 12:12 am by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Tuesday, July 22, 2008
YEARBOOK

*copied from my DeviantArt blogpost*

PS - tangina puro English to! nosebleed!!! lolz!]

=====================================================================

I just recieved our yearbook yesterday. That was like, 3 years of waiting (I graduated high school in 2006).

the yearbook was well-made, sturdy and looks good all the way. But most of the pictures (except the batch picture) are in black and white, well, I don't really care lolz.

some typographical errors here and there, and most of the descriptions of us students sound redundant, and some didn't even submitted a write-up/profile so they don't have any contact data on them but on a positive note, most have profiles.

but, who the hell cares about these errors, anyway?!

I was in a state of nostalgia when I was reading my yearbook. Looking at all the pictures and recalling the events of my highschool life makes me a bit teary-eyed. I still remember those times; puppy love, laughing all day long, the carefree lifestyle we all had as young teenagers, and seeing your crushes pass by.

seeing the faces of my friends, bandmates and crushes really brings back a lot of good memories in high school.

damn... I miss those guys.

Better than before...
Better than the rest...
Better than expected...

SBCA HS Batch 2006!!!

SENIORS HOT! HOT! HOT!

Posted at 01:19 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Wednesday, May 07, 2008
Iron Man film Review

I just watched the Iron Man film just last monday, it was awesome!

probably the best superhero film I've ever seen, Robert Downey Jr. did TOny Stark very very well and he really IS the character as he portrays the man inside the Iron Man suit. I saw some Johnny Depp traces because of the good balance of seriousness, humor, wit and emotion in his portrayal.

Gwyneth Paltrow, gorgeous as always but a little character development could've been good with her and Terrence Howard (as James Rhodes)

the fight scene between Iron Man and the Iron Monger was a bit short but executed well, to say the least.

Great surprises were James Rhodes (Terrence Howard) sees Stark put on the Iron Man suit for the first time, and after that, he sees the silver version of the suit behind him and says "Next time, baby!", giving us a hint of him being War Machine in the sequel.

best part: Tony Stark mistakes Stan Lee for Hugh Hefner lolz!!!

great movie, worth every penny...

Posted at 05:46 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Thursday, April 24, 2008
Inuman Sessions

Matagal tagal na rin mula nung huili akong nagpost, mahigit isang buwan na rin...

kaganinang alas-kwatro ng madaling araw kakauwi ko lang galing kina Ian-kun, yung mga kaibigan niya kasi na nagbabanda niyaya ako tumugtog at birthday ng bahista na si Harold na 21 years old na. Sinama ko si Pido na aakalaing kong napilitang lang sumama.

dumating kami doon sa bahay nila Jarren ng alas siyete, sakto tumutugtog na sila.

lineup:
Guitars: Adrianne
Guitars: AKO!!!
Bass: Harold
Drums: Jarren

setlist namin:
  • Slither ng Velvet Revolver
  • Halik ni Hudas ng Wolfgang
  • Munting Paraiso ng Razorback
  • Killing in the Name ng Rage Against the Machine
ayus naman ang tugtugan, as usual napahanga pa rin nila ako.

pagkatapos nun eh dumeretso kami sa bahay nila Harold at Adrianne (magkapatid sila) para kumain, spaghetti tsaka inihaw na baboy tsaka dinakdakan ang handa. Yung dinakdakan ginawa naming pulutan.

nagkainuman na, yun ang nagustuhang parte ni Pido hahaha!! Sinimulan namin sa isang malaking bote ng Alfonso I, medyo nawirdohan lang ak osa lasa tsaka amoy pa lang lakas amats na. Pero ayus naman at naka-survive kami maliban kay Ian-kun na isa sa mga "fail" sa amin. Si Harold din tinamaan, pero naubos namin ang boteng yaon at bumili pa ng isang longneck na Granma. Sa wakas, granma na, familiar battleground hehe!!! Ayun, naubos din naman pero ako, si Jarren, Adrianne at si Pido eh wala pa ring tama, pero si Ian-Kun eh halatang babagsak na. Si Harold at yung tiyuhin nila eh pumunta ng 7-11 para bumili ng pandagdag na yelo at Red Horse.

Habang naghihintay eh napag-usapan namin nila Adrianne, Pido at Jarren ang tungkol sa pagbabanda, tungkol sa pagtugtog ko at sa pagshe-share ng experiences sa buhay at pagbabanda at pagtugtog, marami silang natutunan sa akin, at ang mas mahalaga pa, mas marami akong natutunan sa kanila. Si Ian eh halatang lasing na kaya pinasuka na namin siya bago pa magunaw ang mundo. Dumating sina Harold at tiyuhin nila na may yelo at 3 pang Red Horse, pero pumasok na sila at pinaubaya na sa amin ang natitira pang bote ng kaligayahan.

di ko aakalaing nakatagal ako sa ganun...

ayus naman ang inuman, marami kaming napag-kwentuhan.tungkol sa mga bagay bagay, babae, tugtugan at iba pa. Medyo naeestablish ko na rin sila bilang mga bago kong tropa, pati ang kasama ko na si Pido eh nakatropa na rin...

ayos...

Posted at 03:19 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Monday, March 03, 2008
SHOWTIME! SHOWTIME!!!

nasa bene na ako mga bandang 9:30 kasama si Samurai... Una naming nakita si Popo, Jerome at Lorenzo at Migs na nakatambay sa gym. 10 o clock pa pala ang calltime para sa rehearsal ng mga performers. Kumpleto na ang banda kaso si Sofia na lang ang inaantay.

Nagsoundcheck muna kami habang inaantay siya. Ayus naman ang soundcheck, maganda ang jamming. Pero nagkaroon ng technical problems sa rig ko, naririnig ako sa right speakers pero hindi sa kaliwa. Pero medyo naremedyuhan namin ni Popo ang technical problem na ito. Pagkatapos ay naglunch kami ni Popo sa ATC kasama si Sam at Migs

pagkabalik namin ay nagsoundcheck ulit kami. Nilapitan kami ni Sir Deck para ibigay sa amin ang ID namin para sa libreng pagkain (yahoo!!). Sina Popo, Lorenzo, Jerome at Sofia ay pagala-gala sa gym nun at si Migs naman ang kasama ko sa Rosendo Herrera Hall. Medyo may traces na kami ng pagiging kabado, nangangatog ang mga paa, nagugutom, nanginginig ang mga kamay. Pero ayus lang yan, lahat yan parte ng pagiging isang performer.

SHOWTIME na! alas sais nagsimula ang event, Tumambay muna kami sa may isang area ng gym. Nakita ko si Jay ORtega ng DRT at nagpa-autograph ako sa buong banda!!! yay!

maraming magagaling na presentations, may kumanta, sumayaw, umakting atbp

pagkatapos magperform ng DRT ay nagprepare na kami sa backstage para sa performance namin.

ang kanta na tinugtog namin ay "Bulong" ni Kitchie Nadal.

Band lineup:
Sofia Cope - Vocals
Migs Lotuaco - Acoustic Rhythm GUitars
Sam Sabado - Electric Rhythm Guitars
Ermon Cabrieto (ako yan!) - Lead Guitars
Lord Stephen Belez - Bass
Jerome Ulob - Keyboards
Lawrence Pajo - Drums

di ko first time tumugtog sa gym at sa ganung karaming tao, sanay na ako. Pero andun pa rin yung technical problem na naka-engkwentro namin, pero at least rinig pa rin ako sa right speakers. Ang saya ng experience na makatugtog ulit sa stage, matagal tagal na rin...

sumayaw ang BEDANZ pagkatapos naming tumugtog. At pagkatapos nun ay pinapunta lahat ng performers sa stage para kumanta ng Bedan Hymn. Sayang katabi ko na yung crush ko na si Carla nun sayang di pa ako nagpakilala!

masaya ang gabi na yun... lalo na nung mga nakaraang practices, may mga bago akong nakilalang mga kaibigan, at masayang jamming... astig!

pagkatapos ay dumeretso kami sa bahay nila JP para uminom... yeh! basag time!!!

gagawan ko rin ng blog entry yan wag kayo mag-alala...

Twas a great night... great music, great people!

Posted at 02:24 am by Ermon
Comments (2)  




Sunday, February 03, 2008
REHAB

nope, hindi po ko drug addict o porn addict pero ito na yata ang pinakamasayang gig na napuntahan ko

REHAB ang pangalan ng production, ginanap sa Al's Bar (2nd flr WATSON's, Aguirre road, BF Pque)... Galing ako sa hangout kasama mga kaibigan/ka-batchmate ko sa ATC bago ako pumunta ng gig.

hinatid ako ni Jason(Rosal) sa may WATSON's, akyat ako ng 2nd floor then I sat down on one table. Aleck came out and introduced herself to me, then she introduced Carlo (Aleck tama ba? hehe) to me...

the moment of truth came when Wolf Gemora came out, easily recognizable by his coboy hat. Pinakilala rin ako ni Aleck sa kanya. Kinamayan pa ako, astig!

first band on the gig was Amistad. Kung titignn niyo sa na parang mga teenagers lang. Pero magaling! Refreashing na makita ang isang banda ng teenagers/youth na tumutugtog ng hard rock.

the next band was TImog. clear na clear na rock and roll sila. Taas ng energy nila, astig! Their originals were cool. They also did nice covrs of ZZ Top's "Hush" and Jimi Hendrix' "Foxey Lady".

Another favorite was ERF. Ganda ng mix n styleng music nila Sobrang melodic nila. Slow and heavy, may pagka-Staind ang style.

I forgot the band after them hehehehe

then the moment of truth came = KASTIGO!!!

Carlo Ordoņez ans the vocalist, Josh Montecillo on guitars, the gorgous and beautiful Sans Fojas on bass, Mark Santiago played ONLY on the intro as he stood up and gave the kit to Wolf Gemora. Kastigo performed their songs, damn taas ng energy nila!

the moment I was waiting fo is the WOlfgang set. Kastigo went on to play our beloved Wolfgang songs:

Weightless
No Falter
As Oceans
Atomica
Halik ni Hudas
Arise

after the gig I was with Aleck, nilapitan kami nung nag-organize nung gig whoever that chick is hehe) and Sans Fojas and they actually saw me going wild headbanging and shouting the lyrics to the songs. Ako rin yata pinakabata du nsa venue hehe

I bought Kastigo's album from Sans (Who's really really tired) worth 250 pesos. Then I stayed in the bar for a few minutes, waiting for a chance to get an autograph from Wolf, and I did he even said "Hey dude, thanks for coming!"


after that I approached Aleck so I can say goodbye for me to go home, the girl that organized the event invited me for a Razorback gig on Feb 15, pero sabi ko I'll see kasi baka maraming gagawin sa school hehe

then I went home...

the best day of my life!

it was like ALIVE 2007 again!

Posted at 05:45 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  

Gimik Gimik

bago ang REHAB (yung production na pupuntahan ko) kahapon eh pumunta muna ako ng ATC para sumama kina Mich at Jason at iba pang mga HS batchmates ko para gumimik hehe

unang dumating si Michael Sun, tapos si Jan Vinna tapos si Jason De Jesus tapos Martin Calderon naman hehe. At doon nag-usap usap muna kami, kumustahan, kwentuhn at kulitan tungkol sa mga buhay buhay, pati na rin konting reminiscence nung panahon ng GS at HS days hehe

pumunta muna kami ng TimeZone para mag videoke, medyo natagalan kami dahil masyadong matagal kumanta ang mga bwiset na Koreano (oops hehe). at may onting issu sa amin na di pwedeng sabihin dito sa internet

Pumunta kami ng Gilligan's pagkatapos para umain at doon dumating si Sioson at Aldrin.

Pagkatapos nun eh pumunta kami ng Seattle's best para magka, per actually sila lang yung nag-kape hehe. At dun pa-picture kami ng pa-picture.

Nug paalis na ami inian namin si Jan Vinna, Martin at Json DJ sa Seattle's best. may Kotse si Jason ROsal yahoo! Magkakasama kami ni Jason R, Michael, Cross a Mich, unang hinatidni Jase si Mich sa bahaynil, tapos ako naman  binaba ni Jase sa WATSON's sa may Aguirre.

 

masaya din palang gumimik, lalo na kung yung ga taong nakasama mo eh 2 taon mahigit mo nang di nakakasama

nakaka-miss talaga ang High School...

Posted at 05:26 pm by Ermon
magsabi kayo ng opinyon!!!  




Previous Page Next Page


Ermon Cabrieto
17 years old
"If you're happy and you know it clap your hands"
fan ni Shaina Magdayao


   





<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30






Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed