 |
 |
 |
 |
 |
|
Wednesday, September 02, 2009
22 days na lang. malapit na ulit birthday ko.
walangya naman on, 20 years old na akO! Parang kelan lang na 15 years old ako nang ma-establish ko itong blog ko, 3rd yhear highschool pa ako nun. Ngayon graduating na ako ng college haha.
Andito ako sa klase ngayon ni Sir Samson, nakakatamad kaya magba0blog muna ako. Wala kasi akong magawa, kulang pa ako sa tulog. HAHA!
Medyo natigil din ak osa pangongolekta ng Transformers ngayon kasi medyo napadalas ang paglalalabas-labas namin ng mga kaklase ko twing sabado nights. kain sa McDO, Jollibee, tambay dito, inom dyan. Ok lang kahit di makaipon, at least busog naman, masaya pa kasama mga tropa, tamang break pagkatapos tapusin ang thesis documentations.
Tigil muna ako ngayon. Mag-aaral muna ako... kunwari
LOL
Posted at 03:48 pm by Ermon
Permalink
Monday, August 24, 2009
Matagal na akong follower ng Quake series, pero ewan ko kung anung pumasok sa utak ko nung panahon ng OJT at bigla akong na-convert sa pagiging isang UT player.
Nag-install kasi ako ng Unreal Tournament GOTY sa workstation ko nung OJT para makapaglaro ako kapag walang ginagawa, ok lang naman sa boss namin yun kasi puro gamers din mga bossing ko (mga adik sa DOTA). Ayun, na-adik uli ako sa Unreal Tournament.
Una akong naglaro ng Unreal Tournament eh grade 6 pa ako nun, nanghiram ako ng kopya ng installer sa teacher ko, ayun na-adik ako. Sabay sabay pa sa PC ko yung tatlong laro na Quake 3, UT tsaka Counterstrike! HAHA!
Tapos nawili din akong i-customize yung mga options sa UT. Nilagay ko sa turbo mode yung UT para mas mabilis at mas challenging, nilagyan ko na rin ng sangkatutak na mapa para mas masaya, naglaro ng CTF na naka Instagib para mas mabilis at kakaiba ang CTF experience ko, naglagay ng mods tulad ng jailbreak para magkaroon ng variety.
ngayon ko lang uli na-appreciate ang Unreal Tournament, dati kasi nababagalan ako. ngayon ko lang naisip na napakaganda pala ng laro na to. Maganda ang AI programming, level design, etc.
Ngayon naman doon naman ako sa sequel ng Unreal Tournament, ang Unreal TOurnament 2004.
masaya ang laro, maganda ang graphics para sa isang laro na ginawa 5 years ago. Ganda ng variety ng game modes, graphics, options atbp. Almost perfect siya.
Next time siguro pag malakas na PC ko Unreal Tournament 3 naman haha!
Masakit mang iwanan ang Quake 3, pero kelangan ko rin ng variety... UNREAL TOURNAMENT!
Quake 3, babalikan din kita, wag kang mag-alala.
Posted at 04:31 pm by Ermon
Permalink
Tuesday, August 18, 2009
ngayon lang uli ako nakapag-blog. mangilan-ngilang buwan na rin mula nung huli akong nagpost.
masyado nang nakain ng thesis ang buhay ko. Isang buwan na akong hindi naggigitara, onti na lang ang oras ko para makapaglaro at nawawalan na ako ng oras matulog. Take note documentation pa lang ito!
pero oks lang naman sa akin kasi patapos na rin kami ng mga kagrupo ko. Chapters 1-4 tapos na namin. chapters 5 and 6 na alng ang kulang para makumpleto, tse-tsekin pa namin ang consistency ng system para oks na para sa defense.
Ang hirap ng buhay 4th year... pero sana maka-graduate agad para COOL.
COOL
Posted at 07:28 pm by Ermon
Permalink
Friday, June 12, 2009
Wala akong internet nitong nakaraang isang linggo dahil sa putanginang
PLDT na yan na natagalan sa pag-ayos ng aming linya. Pero ngayon ay oks
na lahat... cool!
Kakatapos ko lang sa OJT ko actually lumampas
pa nga ako ng 20 hours haha! Sobrang saya ng experience ko sa IT
center. Marami akong natutunan na bagay... at kalokohan kasama ang
aming mga Master sa IT center. Siyanga pala kuya Paul, yung souvenir
namin ah!
Malapit na pala magpasukan, balik ang baon, pag-aaral,
sight-seeing ng chiks, puyatan at tripping kasama mga tropa sa schoo.
At siyempre sino bang hindi makakalimot sa tugtugan diba? Huling taon
ko na sa kolehiyo, kelangan ko na lasapin bawat segundo para worthwhile
ang kabuuan ng school experience ko. COOL
new schoolyear means...
MORE TOYS MORE MUSIC MORE METAL
Posted at 04:38 am by Ermon
Permalink
Sunday, April 19, 2009
TOWN JAMMING + HS mini-reunion xD
ok ang battle of the bands kanina sa ATC. Masaya naman.
Sampung
banda ang tumugtog, pang-pito kami. Ang nakakatawa eh sa meeting ng
banda eh draw-lots kami kung pang-ilan kami sa mga tutugtog, nagkataon
(at sobrang freak coincidence!) na ang banda nila Jason eh pang-anim,
kami (Radio Free Sound Project) eh pang-walo at ang banda naman nila
Mac ang pang-walo!! Walanghiya, kami-kaming magkaka-batch nung high
school din ang nagkasunud-sunod sa mga tutugtog lolz!
Ok ang mga
bandang tumugtog, halatang sinala talaga ng committee ang mga tutugtog.
Wala ni isa ang sumablay (meron pero di gaanong halata) at talagang
magagaling ang mga competitors. Para sa akin hindi siya nagmukhang
battle of the bands, para siyang isang min-concert sa gitna ng ATC
dahil sa higpit ng competition.
Announcement na kung sino ang
makakasama sa finals. Hindi nakasama ang banda namin and banda nila
jason, ang banda nila Mac ang pasok pero karapat-dapat naman talaga
dahil magaling ang banda nila! hayup sa stage presence at projection,
ok din ang song selection at maganda ang flow ng mga kanta. Ayos. Si JP
mukhang medyo sineryoso ang pagkatalo, pero sa amin ok lang kasi
nakatugtog naman kami ng maayos at andun ang mga HS friends namin at
napanood nila kami.
Overall: SATISFIED
Masaya rin kasi
kasama ko mga kabarkada at kaklase ko nung highschool, parang
mini-reunion na nga eh! Masaya. Kaso may mga kulang, sina Martin D5,
Ramon atbp para lalong masaya haha!
nakasabay ko pa si Gian umuwi lolz haha.
salamat
sa lahat ng nanuod, sumuporta at naniwala sa Radio Free Sound Project
at iba pang mga banda na nagdadala ng watawat ng SBCA.
MABUHAY ANG MGA KABATAANG MUSIKERO!!!
Posted at 03:26 am by Ermon
Permalink
Saturday, April 11, 2009
METALLICA INDUCTED INTO THE ROCK AND ROLL HALL OF FAME
Nakakatuwang panoorin yung introduction speech ni Flea (Red Hot Chili
Peppers bassist). 10 minutes siya pero hindi boring, kinwento niya kung
ano impact ng Metallica sa buhay niya mula nung mapakinggan niya yung
"Fight Fire with Fire", at kinwento din niya ang impact na nagawa ng
Metallica sa music induistry ng mundo.
Inducted na ang Metallica
sa Rock and Roll Hall of Fame. Pumunta ang buong banda sa stage. James
Hetfield, Lars Ulrich, Kirk hammett, Robert Trujillo, dating bassist na
si Jason Newsted at ang ama ng namatay na bahista nilang si Cliff
Burton na si Ray Burton. Unang nag-speech si Ray Burton na ineksplika
kung gaano niya na-miss si Cliff at kung gaano kagaling ang Metallica.
Sumunod na nag-speech si Jason Newsted (bago pa siya magsalita eh
talagang palakpakan na ang mga tao), tapos sina Robert Trujillo at Kirk
Hammett na ang nag-speech.
Ang mga speech na talagang tumatak sa
akin eh yung mga speech nila Lars at James. Pero mas tumatak sa akin
ang speech ni James. May isang quotation akong nakuha sa speech niya
"Dream big, and dare to fail I dare you! This is living proof, that it
is possible to make dreams come true!". Sa huling part ng speech ni
James ay pinasalamatan niya si Lars Ulrich "I wanna thank Lars, for
calling me, so we can include each other in our dreams of being in the
greatest heavy metal band of all time." Nakaka-iyak din yung part na
nagyakapan si James at Lars sa huli ng speech.
Inspiring.
Tumugtog
sila ng 2 kanta, Master of Puppets tsaka Enter Sandman, magkasama sina
Jason at Robert sa stage para sa twin-bass attack! hehe. May mga sablay
si Hetfield sa MoP pero ok lang yun. Hindi ata siya nakapag-warmup.
My Take?
Feel
ko yung MTV Icon: Metallica eh pagbibigay pugay lang sa Metallica. Pero
itong Rock and Roll hall of Fame induction nila eh talagang mabigat na
parangal. Masayang masaya ako kasi die-hard fan na ako ng Metallica for
more than 6 years, sobrang laki kasi ng influence nila sa akin dahil
hindi lalo maeexplroe ng malalim ang metal music kung hindi dahil sa
kanila, hindi ako magseseryoso sa gita kung hindi napapakinggan ang mga
solo ni Kirk Hammett nung high school ako, at tingin ko talagang nabago
ng Metallica ang attitude ko at mga pananaw ko sa buhay. Masarap sa
pakiramdam na ang mga idol ko eh na-induct na rin sa Rock n Roll Hall
of Fame, kasama na nila sa ranggo nila ang Black Sabbath, Led Zeppelin
at Lynyrd Skynyrd at iba bang mga legendary musicians.
Congratulations Metallica Metallica is in my blood Metallica is my life.
METALLICA RULES!!!
Posted at 01:02 am by Ermon
Permalink
Sunday, March 29, 2009
ERMONSKI: THE FINALS SET (pun intended)
pagsasama-samahin ko na lang dito ang mga masasaya at hindi na
experiences namin ngayong schoolyear 2008-2009. Kayo na bahala tumingin
kung ano ang good at ano ang bad, para COOL!!! ibu-bullet form ko na lang ito para COOL!!!! HELL'M YEAH! FIRST SEMESTER: - Statistics
- Bonding moments with classmates
- Inuman sessions
- basagen sessions kasama mga kapitbahay ko
- Eraserheads: The Reunion Concert
- Puyatan sa Software Engineering documentations
- Puyatan sa SQL project
- Patayan sa pagkain (LOL)
- Debut ni Eunice (na hindi ako nakapunta haha!)
- pagka-buo ng Reverie and Rhythm Org (great people, great music)
- laftrip sessions
SECOND SEMESTER - COMMDAP Convention + inuman sa MOA
- Ms. Pasupil prof na naman namin for the nth time lolz
- Philo sessions with Papa J (da best!)
- Retreat (maraming nangyari, maraming nangyari...)
- Lab teams galore!
- Kulitan sessions
- walang kamatayang laftrip sessions
- gazeebo days
- sabado nights
- Petron sessions
- RAR Concert!!!
- Immersion (baraha, gala, toma)
- Eraserheads: The Final Set
- Puyatan sa SQL project
The Profs: Ms. Marian - oh Mooooooooooooooooooon! Ms. Pasupil - kayo na bahala mag describe hehe Mr. Renta - nicknamed as ChEorva? bat kaya? Sir Jayvee - sumagot ng inuman namin sa Festi bago siya umalis Mr.
Joselle "Papa J" Motol - ang aming cool na cool na prof sa Philosophy
na palaging may pattern sa quiz at exams na hindi namin nakukuha kaya
kami bumabagsak! lolz da best Mr. Pascual - petiks na prof namin sa Accounting hehe so
mga kaibigan! yan po ang aking listahan ng mga pangyayari dito sa
napakasayang(?) schoolyear na ito! maraming salamat mga kaklase at
kaibigan at magkikita tayo sa OJT at next schoolyear! YOWZA!
Posted at 03:53 pm by Ermon
Permalink
Sunday, March 08, 2009
ERASERHEADS: THE FINAL SET
11 am ng sabado eh nasa school ako, hindi ako maka-focus sa quiz namin
sa SAD dahil sa excitement ko para sa concert. Pati sa SQL class namin
eh panay lyrics na ata ng Eraserheads ang tina-type ko sa Query
Analyzer sa excitement.
5:30 kami ng maka-alis sa
school, si Justin de los Santos ang may kotse sa amin. Kasma ko si Ian
at JT. Sobrang kinikilabutan kami habang papunta ng MOA
sinalubong
kami ni Popo sa may entrance at pumwesto. Bwisit yung mga MTV VJs na
nagkwentuhan kagabi, nakatikim sila ng bonggang bonggang BOOOO!! galing
sa audience. Buti na lang sexy ang suot ni Anne Curtis kaya
napagpasensyahan ko na.
unique din ang countdown, nagsimula sa Z tapos nagtapos sa E. Eto yung setlist:
1st set: Magasin Walang Nagbago Maling Akala Maskara Poorman's Grave Waiting for the Bus Huwag Mo nang Itanong (Marcus on vox) Slo Mo (Raimund on vox) Alkohol (Raimund on vox) Insomya Torpedo
2nd set: Julie Tearjerky (acoustic/unplugged ) Tikman ang Langit (acoustic/unplugged ) Wishing Wells (acoustic/unplugged ) Fine Time (acoustic/unplugged ) Pare Ko (acoustic/unplugged ) Kailan (acoustic/unplugged ) Back2Me Trip to Jerusalem Spoliarium Overdrive
Encore: Superproxy (tribute to FrancisM) Minsan Alapaap Kaleidoscope World (tribute to FrancisM) (reprise) Ang Huling El Bimbo
Encore 2 (Final 3): Ligaya Sembreak Toyang
kung
tutuusin, mas maganda itong concert na to kesa sa una. Yung sa una kasi
parang masyado silang tense o masyadong steady, halos walang
interaction within the band and within the audience. Pero itong sa
Final Set eh talang sobrang loosened up na sila, malikot na sila. Si
Ely talagang energetic!
astig
din nung kumanta si Raimund sa Alcohol tsaka sa Insomya, parang nasa
Sandwich lang! Ok din yung reggae version ng Wag Mo nang Itanong ni
Marcus Adoro, ang kulit nung inuulit uli niya yung "di ko sasabihin sa
iyo!" hahaha!!!
may
mga ibang kanta din na galing sa unang conert tulad ng Kailan at
Alapaap. Dinugtong yung kaleidoscope World sa Alapaap tribute para kay
Francis M.
Epic
moment din yung El Bimbo, nakatitig na lang ako nung fireworks tsaka
confetti, tapos sinunog na rin yung piano na puro stickers (yung piano
sa StickerHappy na album nila) signalizing the end of the Eraserheads.
palabas
na yung mga tao nang lumabas uli si Raimund, mukhang nabitin sila.
Tinugtog nila Ligaya, Sembreak tsaka Toyang. Sarap pakinggan nung
sinabi ni Ely na "WE ARE THE ERASERHEADS!"
haaiz
di ako maka-get over...
itong 2 Eraserheads na concerts ang kumumpleto sa schoolyear ko...
DA BEST!
Posted at 03:52 pm by Ermon
Permalink
Thursday, October 30, 2008
Nakaka-adik ang WarSow (free open-source FPS deathmatch game), beware!!!
may
jam session kami kanina sa bahay nila Popo. Dala-dala ko gitara ko pati
amp ko, ambigat pero oks lang kasi minsan lang naman kami mag-jam.
nagkita kami ni Kim Dabs sa SM ay sabay kaming pumunta kina Popo. Ayos
naman lahat. Dumating sunod si JP, ang aming drummer. Nagsimula na ang
jamming!
Ok ang jamming namin, may mga bagong stuff si Kim na
sinubukan naming i-jam, at ayus naman ang kinalabasan. Matagal kaming
hindi nagkita nila JP at Kim kaya di namin akalain na magiging maganda
ang kalalabasan ng jamming namin.
pagkatapos ay nagkwentuhan
kami ni Kim, kamustahan at iba pa kasama sina JP at Popo. High school
pa lang magkakasama na kami kaya parang ang sarap ng pakiramdam na
hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin kami...
Radio Free Sound Project da best!!!
Posted at 12:44 am by Ermon
Permalink
Tuesday, October 28, 2008
Jam session + Reformat + HSM3 + guitar fix
Ayus ang jam session namin nila Popo at Jp. Autobordz 3-piece style!
Setlist namin: Alapaap (Eheads), Magasin (Eheads), Giyang (Razorback),
Little Wing (Jimi Hendrix), Shy Boy (Mr. Big version). Ok naman ang
jam, pero nakalimutan ni Popo na kontakin si Dabs. Ayun, ni-YM ako ni
Dabs medyo sumama ang loob nung una pero ok naman pagkatapos nyiang
manood ng Southpark.
5 beses nag-crash ang HD ko kanina...
bwisit talaga, tipong kung kelan nagse-save ako ng files sa USB ko para
sa sudden attack ng isa pang HD crash eh saka naman magka-crash bigla
ang operating system ko. Kaya isang solusyon na lang ang naisip ko -
REFORMAT!!! Wala na akong pake kahit alam kong gugulpihin ako ng
kapatid ko bukas pag nalaman niyang burado ang videos at pictures ng
aking napaka-cute na pamangkin. Nag-proceed na ako sa reformatting.
Temporary lang ito dahil mapapasa-akin din ang 80gb HDD ni Popo
bweahahaha!!!
lately medyo nao-OC na ako sa mga electronic
damages ng gitara ko. Selector, volume knob atsaka isang physical
damage eh yung nut. Iniisip ko kung sa Sta. Mesa ako magpapaayos o sa
Raon sa Quiapo. Hmmm
may 2 pelikula akong gustong panoorin
ngayon, High School Musical 3 at Tropic Thunder. Gusto kong panoorin
ang Tropic Thunder kasi maganda ang konbinasyon ng mga aktor (Ben
Stiller, Jack Black, Robert Downey Jr.) kaya pamatay, maganda pa ang
konsepto ng istorya kaya interesting abangan.
gusto ko ring
panoorin ang High School Musical 3. OO! Inaamin ko na, fan ako ng High
School Musical series! Guilty pleasure ko yun haha. Medyo mahilig din
kasi ako sa mga cheese teeny-bopper stuff tulad nito. Gusto knog makita
kung ano ang mangyayari sa cast ngayong nasa senior year na sila, saang
mga college sila pupunta at ano ang mangyayari pagkatapos.
Isa na ring dahilan kung bakit ko gustong manood ng HSM3 ay dahil kay Ashley TIsdale at Olesya Rulin... no questions asked
Posted at 12:44 am by Ermon
Permalink
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
 |
|
 |