TOWN JAMMING + HS mini-reunion xD
ok ang battle of the bands kanina sa ATC. Masaya naman.
Sampung
banda ang tumugtog, pang-pito kami. Ang nakakatawa eh sa meeting ng
banda eh draw-lots kami kung pang-ilan kami sa mga tutugtog, nagkataon
(at sobrang freak coincidence!) na ang banda nila Jason eh pang-anim,
kami (Radio Free Sound Project) eh pang-walo at ang banda naman nila
Mac ang pang-walo!! Walanghiya, kami-kaming magkaka-batch nung high
school din ang nagkasunud-sunod sa mga tutugtog lolz!
Ok ang mga
bandang tumugtog, halatang sinala talaga ng committee ang mga tutugtog.
Wala ni isa ang sumablay (meron pero di gaanong halata) at talagang
magagaling ang mga competitors. Para sa akin hindi siya nagmukhang
battle of the bands, para siyang isang min-concert sa gitna ng ATC
dahil sa higpit ng competition.
Announcement na kung sino ang
makakasama sa finals. Hindi nakasama ang banda namin and banda nila
jason, ang banda nila Mac ang pasok pero karapat-dapat naman talaga
dahil magaling ang banda nila! hayup sa stage presence at projection,
ok din ang song selection at maganda ang flow ng mga kanta. Ayos. Si JP
mukhang medyo sineryoso ang pagkatalo, pero sa amin ok lang kasi
nakatugtog naman kami ng maayos at andun ang mga HS friends namin at
napanood nila kami.
Overall: SATISFIED
Masaya rin kasi
kasama ko mga kabarkada at kaklase ko nung highschool, parang
mini-reunion na nga eh! Masaya. Kaso may mga kulang, sina Martin D5,
Ramon atbp para lalong masaya haha!
nakasabay ko pa si Gian umuwi lolz haha.
salamat
sa lahat ng nanuod, sumuporta at naniwala sa Radio Free Sound Project
at iba pang mga banda na nagdadala ng watawat ng SBCA.
MABUHAY ANG MGA KABATAANG MUSIKERO!!!
Posted at 03:26 am by
Ermon