METALLICA INDUCTED INTO THE ROCK AND ROLL HALL OF FAME
Nakakatuwang panoorin yung introduction speech ni Flea (Red Hot Chili
Peppers bassist). 10 minutes siya pero hindi boring, kinwento niya kung
ano impact ng Metallica sa buhay niya mula nung mapakinggan niya yung
"Fight Fire with Fire", at kinwento din niya ang impact na nagawa ng
Metallica sa music induistry ng mundo.
Inducted na ang Metallica
sa Rock and Roll Hall of Fame. Pumunta ang buong banda sa stage. James
Hetfield, Lars Ulrich, Kirk hammett, Robert Trujillo, dating bassist na
si Jason Newsted at ang ama ng namatay na bahista nilang si Cliff
Burton na si Ray Burton. Unang nag-speech si Ray Burton na ineksplika
kung gaano niya na-miss si Cliff at kung gaano kagaling ang Metallica.
Sumunod na nag-speech si Jason Newsted (bago pa siya magsalita eh
talagang palakpakan na ang mga tao), tapos sina Robert Trujillo at Kirk
Hammett na ang nag-speech.
Ang mga speech na talagang tumatak sa
akin eh yung mga speech nila Lars at James. Pero mas tumatak sa akin
ang speech ni James. May isang quotation akong nakuha sa speech niya
"Dream big, and dare to fail I dare you! This is living proof, that it
is possible to make dreams come true!". Sa huling part ng speech ni
James ay pinasalamatan niya si Lars Ulrich "I wanna thank Lars, for
calling me, so we can include each other in our dreams of being in the
greatest heavy metal band of all time." Nakaka-iyak din yung part na
nagyakapan si James at Lars sa huli ng speech.
Inspiring.
Tumugtog
sila ng 2 kanta, Master of Puppets tsaka Enter Sandman, magkasama sina
Jason at Robert sa stage para sa twin-bass attack! hehe. May mga sablay
si Hetfield sa MoP pero ok lang yun. Hindi ata siya nakapag-warmup.
My Take?
Feel
ko yung MTV Icon: Metallica eh pagbibigay pugay lang sa Metallica. Pero
itong Rock and Roll hall of Fame induction nila eh talagang mabigat na
parangal. Masayang masaya ako kasi die-hard fan na ako ng Metallica for
more than 6 years, sobrang laki kasi ng influence nila sa akin dahil
hindi lalo maeexplroe ng malalim ang metal music kung hindi dahil sa
kanila, hindi ako magseseryoso sa gita kung hindi napapakinggan ang mga
solo ni Kirk Hammett nung high school ako, at tingin ko talagang nabago
ng Metallica ang attitude ko at mga pananaw ko sa buhay. Masarap sa
pakiramdam na ang mga idol ko eh na-induct na rin sa Rock n Roll Hall
of Fame, kasama na nila sa ranggo nila ang Black Sabbath, Led Zeppelin
at Lynyrd Skynyrd at iba bang mga legendary musicians.
Congratulations Metallica
Metallica is in my blood
Metallica is my life.
METALLICA RULES!!!
Posted at 01:02 am by
Ermon