Sunday, March 08, 2009
ERASERHEADS: THE FINAL SET

11 am ng sabado eh nasa school ako, hindi ako maka-focus sa quiz namin sa SAD dahil sa excitement ko para sa concert. Pati sa SQL class namin eh panay lyrics na ata ng Eraserheads ang tina-type ko sa Query Analyzer sa excitement.

5:30 kami ng maka-alis sa school, si Justin de los Santos ang may kotse sa amin. Kasma ko si Ian at JT. Sobrang kinikilabutan kami habang papunta ng MOA

sinalubong kami ni Popo sa may entrance at pumwesto. Bwisit yung mga MTV VJs na nagkwentuhan kagabi, nakatikim sila ng bonggang bonggang BOOOO!! galing sa audience. Buti na lang sexy ang suot ni Anne Curtis kaya napagpasensyahan ko na.

unique din ang countdown, nagsimula sa Z tapos nagtapos sa E. Eto yung setlist:

1st set:
Magasin 
Walang Nagbago
Maling Akala
Maskara
Poorman's Grave
Waiting for the Bus
Huwag Mo nang Itanong (Marcus on vox)
Slo Mo (Raimund on vox)
Alkohol (Raimund on vox)
Insomya
Torpedo

2nd set:
Julie Tearjerky (acoustic/unplugged )
Tikman ang Langit (acoustic/unplugged )
Wishing Wells (acoustic/unplugged ) 
Fine Time (acoustic/unplugged )
Pare Ko (acoustic/unplugged )
Kailan (acoustic/unplugged )
Back2Me
Trip to Jerusalem
Spoliarium
Overdrive 

Encore:
Superproxy (tribute to FrancisM)
Minsan
Alapaap
Kaleidoscope World (tribute to FrancisM) (reprise)
Ang Huling El Bimbo 

Encore 2 (Final 3):
Ligaya
Sembreak

Toyang


kung tutuusin, mas maganda itong concert na to kesa sa una. Yung sa una kasi parang masyado silang tense o masyadong steady, halos walang interaction within the band and within the audience. Pero itong sa Final Set eh talang sobrang loosened up na sila, malikot na sila. Si Ely talagang energetic!

astig din nung kumanta si Raimund sa Alcohol tsaka sa Insomya, parang nasa Sandwich lang! Ok din yung reggae version ng Wag Mo nang Itanong ni Marcus Adoro, ang kulit nung inuulit uli niya yung "di ko sasabihin sa iyo!" hahaha!!!

may mga ibang kanta din na galing sa unang conert tulad ng Kailan at Alapaap. Dinugtong yung kaleidoscope World sa Alapaap tribute para kay Francis M.

Epic moment din yung El Bimbo, nakatitig na lang ako nung fireworks tsaka confetti, tapos sinunog na rin yung piano na puro stickers (yung piano sa StickerHappy na album nila) signalizing the end of the Eraserheads.

palabas na yung mga tao nang lumabas uli si Raimund, mukhang nabitin sila. Tinugtog nila Ligaya, Sembreak tsaka Toyang. Sarap pakinggan nung sinabi ni Ely na "WE ARE THE ERASERHEADS!"

haaiz

di ako maka-get over...

itong 2 Eraserheads na concerts ang kumumpleto sa schoolyear ko...

DA BEST!

Posted at 03:52 pm by Ermon

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry


Ermon Cabrieto
17 years old
"If you're happy and you know it clap your hands"
fan ni Shaina Magdayao


   





<< March 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31






Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed