Nakaka-adik ang WarSow (free open-source FPS deathmatch game), beware!!!
may
jam session kami kanina sa bahay nila Popo. Dala-dala ko gitara ko pati
amp ko, ambigat pero oks lang kasi minsan lang naman kami mag-jam.
nagkita kami ni Kim Dabs sa SM ay sabay kaming pumunta kina Popo. Ayos
naman lahat. Dumating sunod si JP, ang aming drummer. Nagsimula na ang
jamming!
Ok ang jamming namin, may mga bagong stuff si Kim na
sinubukan naming i-jam, at ayus naman ang kinalabasan. Matagal kaming
hindi nagkita nila JP at Kim kaya di namin akalain na magiging maganda
ang kalalabasan ng jamming namin.
pagkatapos ay nagkwentuhan
kami ni Kim, kamustahan at iba pa kasama sina JP at Popo. High school
pa lang magkakasama na kami kaya parang ang sarap ng pakiramdam na
hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin kami...
Radio Free Sound Project da best!!!
Posted at 12:44 am by
Ermon